Bulnerable sa dayaan ang darating na halalan sa pag-atras ng NAMFREL!

Bulnerable sa dayaan ang darating na halalan sa pag-atras ng NAMFREL!

Para sa Bayan Muna, lubhang nakakabahala ang pag-withdraw ng National Citizen’s Movement for Free Elections (NAMFREL) bilang accredited na watchdog sa darating na May 13, 2019 midterm elections.

Talamak ang dayaan at iregularidad sa ating halalan, at lalo pa tayong nangangamba na mas magiging bulnerable ang ating eleksyon sa mga nais manipulahin ito ayon sa kanilang mga makitid na interes.

Ayon sa NAMFREL, ang kanilang withdrawal ay bunga ng pagtanggi ng Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang petisyon upang magkaroon ng open access at data sa voter’s list, presinto, at iba pang impormasyon. Hiningi din ng NAMFREL ang direktang access sa data transmission sa mga server, at ang audit logs. Sa madaling sabi, magiging bulag ang NAMFREL sa eleksyon kung hindi sila bibigyan ng access at datos na ito ng Comelec.

Walang dahilan upang hindi ibigay ng Comelec ang impormasyon na ito sa kanilang accredited watchdog o tagapagbantay. Kung iisa ang datos mula sa Comelec at ang makukuha ng NAMFREL direkta mula sa mga server at maaaring beripikahin sa mga data logs, walang dapat ikabahala ang Comelec.

Ang kawalan ng transparency ang tunay na nakakapangamba, dahil maaaring gamitin ng mga nasa poder upang itiyak ang pagkapanalo ng kanilang mga kandidato. Makailang beses na naisiwalat ang mga pruweba ng digital dayaan mula sa sabwatan ng mga kawatan sa Comelec at sa subcontractor nitong Smartmatic sa mga nagdaang eleksyon!

Sa mga nakaraang survey na inilabas ng Pulse Asia, nangunguna ang Bayan Muna sa halalang partylist. Ito ay patunay ng tiwala ng taumbayan sa Bayan Muna bilang kampeon ng mga isyu ng mga mahihirap, kabilang ang mga manggagawa sa publiko at pribadong sektor. Kaya naman higit kailangan na maging mapagbantay ang mamamayan sa integridad ng ating halalan. Hindi natin dapat pabayaan ang pandaraya at manipulasyon sa ating boto!#

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*